Minsan sa
aking buhay, mapanghamon na tinanong ako ng aking kaibigan, "Ano ba talaga
ang trabaho ng isang guro?" Sinagot ko siya na "Siyempre magturo at
humubog ng kinabukasan." Ngumiti siya sa akin at alam ko na tama ang aking
sagot sa kaniya ngunit, ang hindi ko napaghandaan ay ang epekto sa akin ng
kanyang katanungan. Parang hinila ako pabalik sa mga nakalipas na taon ng aking
pagtuturo at pinilit na magkaroon ng isang repleksyon. Napaisip ako, ano nga
ba?
Alam naman
ng karamihan na higit sa pagtuturo ang propesyon ng isang guro. Isa itong interdimensional na trabaho. Yung tipong
nagtuturo ka ng wika pero kailangan mong pasukan ng values, o kaya naman
nagtuturo ka ng Math at kailangan mong ipaunawa sa mga mag-aaral kung ano ang
halaga nito sa buhay. Dito ko napagtanto na ang tunay na trabaho ng guro ay ang
turuan ang mga mag-aaral na matuto hindi lamang ng mga teorya, ng mga numero,
ng pagbabasa, ng pagsulat, at ng iba pang mga bagay na pang-akademiko. Bagkus,
ang tunay na trabaho ng guro ay ang impluwensyahan ang kanyang mga mag-aaral
para sa magandang kinabukasan katulad ng isa sa mga mensahe ni Sabrina Ongkiko sa Our Return on Investment sa
Ted Admu. Hindi ito madali sapagkat kailangang maging maingat sa lahat ng
ginagawa, maaari kasi na mabuti at masamang impluwensya ang maibigay ng isang
guro. Kumbaga, sa aming mga kamay nakasalalay ang ikabubuti ng ating lipunan.
Isang mabigat na pasanin kung tutuusin sapagkat buhay ng isang bansa ang
pinag-uusapan natin. Ngunit, sa kabila ng mabigat na pasaning ito nakalulungkot
isipin na maliit ang pagtingin sa mga guro. Kagaya na lamang ng pananaw ng
ibang magulang sa kanilang mga anak na "Anak, medyo mahina ang ulo mo,
mag-teacher ka na lang." O kaya naman ang sweldo na palagay ko ay hindi
kalakihan para sa aming trabaho at kadalasang nagiging sanhi ng paglo-loan at
pagtitinda ng kung ano-ano na ikinakabit sa pangalan ng mga guro. Ngunit ang
higit na masakit ay ang madalas na pagkakaroon ng maliit na pagtingin ng mga
mag-aaral sa karamihan ng mga guro. Yung tipong pagkatapos ng isang taon parang
hindi ka na bahagi ng kanilang buhay at ang masaklap yung hindi ka na nila
maaalala kahit kailan. Para sa akin kasi, walang guro na hindi nag-effort para
sa kanyang mga mag-aaral. Sigurado ako, kahit papaano nag-isip siya kung paano
niya maipauunawa sa mga mag-aaral ang isang aralin at paano niya mapapabuti ang
kanyang mag-aaral. Madalas kasi, nililimitahan ng mga mag-aaral ang pananaw
nila sa kanilang guro dahil sa mga asignaturang kanilang itinuturo. Halimbawa
na lamang kung ang asignatura ay boring, mahirap, o masyadong madali madalas na
hindi na nila type ang kanilang guro.
O di kaya naman sa pisikal na itsura ng kanilang guro gaya ng mukhang masungit,
mukhang mahinhin, mukhang mabait (na pwedeng abusuhin) at marami pang iba
naibabatay ang pagkatao ng isang guro. Kung may ganitong pananaw at
pangmamaliit sa mga guro mula sa lipunan, naniniwala ako na mahihirapang
makaahon ang ating bansa sa pagkakalugmok.
Sa
pagbabalik-tanaw ko sa aking buhay guro, naiba rin ang aking pananaw sa
pagtuturo at tagumpay. Dati, palagi ko lang sinasabi sa mga mag-aaral na dapat
nilang galingan sa klase at dapat silang magsikap upang magtagumpay. Ngunit, hindi
pala sapat iyon sapagkat kinakailangan na kasangkot siya sa tagumpay na ito. Kailangan
na ang isang guro ay maging mabuting impluwensya sa kanyang mga mag-aaral sa
mabuting paraan. Mahalaga na maging positibo ang pananaw katulad ni Sabrina
Ongkiko tungkol sa mga mag-aaral upang maging positibo rin sila sa kanilang
sarili, upang maisip nila na makakaya nila ang isang bagay sapagkat may guro na
handang gumabay at hindi mawawalan ng tiwala sa kanilang kakayahan kahit na
ilang ulit silang magkamali. Gayundin, kailangan ang sangkap na isang Mag-aaral,
sapagkat hindi niya maaabot ang tagumpay kung hindi magiging positibo ang
kanyang pananaw sa kanyang mga guro, kung hindi niya kikilalanin ang mga sakripisyong
inilalaan nila upang mapabuti ang isang buhay. Sa pagtatagumpay, kailangan ang
dalawa, ang guro at ang mag-aaral. Sa hinaharap, alam ko na maiiba na ang
sasabihin ko sa aking mga mag-aaral, at iyon ay walang iba kundi "Anak,
upang maging matagumpay mangarap at magsumikap ka kasama ang iyong mga
guro."
Sabrina Ongkiko: Our Return on Investment sa Ted Admu
https://www.youtube.com/watch?v=FgOi4ZR57fA
The Casino at the Downs | Mapyro
ReplyDeleteTry your luck at the casino at 부산광역 출장마사지 the Downs 구미 출장샵 on 보령 출장샵 Mapyro. Find your way around the casino, find where everything is located 삼척 출장안마 with 남양주 출장마사지 these helpful